Lakbay Sanaysay: Pasko sa Bohol.

 Ang magulang ko ay nanggagaling sa bohol, sila ay doon pinanganak at pinalaki. Sa bohol din sila nag kilala at ikinasal. Kaya't palagi kami umuuwi kapag may okasyon na mang yayare. Disyembre nang kami ay napagsyahan na sa bohol mag didiwang ng papasko. Gumising kami ng maaga para sa byahe. Ang sinakyan naming barko ay tinatawag na star craft, umaabot ng isa't kalahating oras ang takbo ng barko na ito. Hihinto ang barko sa Tubigon, Bohol pier. Ang lugar ay may maraming tao, ang pier kasi ay malapit lang sa palengke, mall, at pati simbahan. Sumakay kami ng tricycle at nagpahatid sa bahay ng aking lola. Ang nagugustuhan ko sa aaming baryo ay ang paligid at tanawin. Pilapaligiran ang bahay namin ng mga puno ng niyog, saging, at manga. Dahil sa mga punong ito, ang hangin ay sariwa. Sa gabi namn, nakikita ang buong kalangitan na puno ng mga bituin. 

Ang araw na aming inaabangan ay sa wakas dumating na, disyembre 24. Buong araw kami ay nag handa na para sa pasko. Pag sapit ng alas syete ng gabi, may mga sakristan na kumatok sa aming pinto at sila ay may dalang sanggul na hesus. Tradisyon sa amin sa bohol na pagkatapos ng misa ay dadalhin nila ang sanggol na hesus at ibibisita sa buong barangray. Tradisyon din sa amin na mag bahagi/mamigay ng handaan sa kapit bahay. Pag uwi namin sa Cebu, ang sinakyan naming barko ay Lite Shipping. Isa itong malaking barko kaya't nag hihigit dalawang oras ang byare. 

Sa pag didiwang ko ng pasko sa bohol nagiging malapit ako sa lugar kung saan lumaki ang akong magulang. Mas na yayakap ko ang pinagmulan ng aking dugo at nakikilala ko ang aking mga pamag-anak. Sa paglalakbay ko na ito ay natutunan ko ang kasaysayan ng aking pamilya at nakilala din ang mga ninuno ko. 














Ipapasa kay: Gng. Eroma
Ipinasa ni: Eras, Judysa

Comments