Posts

Showing posts from October, 2022

Lakbay Sanaysay: Pasko sa Bohol.

Image
  Ang magulang ko ay nanggagaling sa bohol, sila ay doon pinanganak at pinalaki. Sa bohol din sila nag kilala at ikinasal. Kaya't palagi kami umuuwi kapag may okasyon na mang yayare. Disyembre nang kami ay napagsyahan na sa bohol mag didiwang ng papasko. Gumising kami ng maaga para sa byahe. Ang sinakyan naming barko ay tinatawag na star craft, umaabot ng isa't kalahating oras ang takbo ng barko na ito. Hihinto ang barko sa Tubigon, Bohol pier. Ang lugar ay may maraming tao, ang pier kasi ay malapit lang sa palengke, mall, at pati simbahan. Sumakay kami ng tricycle at nagpahatid sa bahay ng aking lola. Ang nagugustuhan ko sa aaming baryo ay ang paligid at tanawin. Pilapaligiran ang bahay namin ng mga puno ng niyog, saging, at manga. Dahil sa mga punong ito, ang hangin ay sariwa. Sa gabi namn, nakikita ang buong kalangitan na puno ng mga bituin.  Ang araw na aming inaabangan ay sa wakas dumating na, disyembre 24. Buong araw kami ay nag handa na para sa pasko. Pag sapit ng alas s